Aminado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na marami pang reklamo ng katiwalian at korupsyon sa barangay level ang natatanggap nito.
Ayon kay DILG undersecretary for barangay affairs Martin Diño, sa Metro Manila pa lamang ay maraming barangay kagawad na ang nagtutungo sa kanilang tanggapan bitbit ang mga dokumento bilang suporta sa reklamong pagwawaldas ng pondo laban sa kani-kanilang punong barangay.
Bilang tugon, ipinabatid ni Diño na kumakalap na sila ng mga ebidensya para tumibay ang kasong isasampa nila sa Office of the Ombudsman.