Walang nakikitang masama ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines O AFP sa pagkontra ng 31 mga retiradong heneral sa Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Restituto Padilla, nirerespeto nila ang opinyon ng mga miyembro at opisyal ng Association of Generals and Flag Officers o AGFO na lumagda sa isang manifesto at nagpahayag ng kanilang pagtutol sa BBL.
Giit ni Padilla, sino man ay pwedeng magpahayag ng kanilang saloobin dahil bahagi ito ng demokrasya sa bansa.
Tiniyak din ni Padilla na hindi apektado ang 125,000 miyembro ng AFP sa nasabing isyu dahil propesyunal naman ang mga nasa hanay ng Sandatahang Lakas.
By: Jelbert Perdez | Jonathan Andal