Naging maayos ang takbo ng mga job fair na isinagawa sa iba’t ibang panig ng bansa kasabay ng pagdiriwang sa ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, kahapon.
Ito’y ayon sa Deparmtent of Labor and Employment (DOLE).
Batay sa tala ng DOLE-Bureau of Local Employment, umabot sa mahigit 21,000 katao ang dumalo sa job fairs.
Sa nasabing bilang ng aplikante nasa 15,000 ang naging qualified kung saan 9,000 rito ang naideklarang “near hire” habang nasa 2,000 naman ang “hired on the spot”.
Nagbigay naman ng opurtunidad ang nasa 1,582 ahensya ng pamahalaan at pribadong kumpanya sa nasabing job fair.