Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba na malugi ang PhilHealth dahil sa di umano’y talamak na fraudulent claims ng mga accredited clinics at mga ospital.
Ayon kay Health secretary Francisco Duque III, bagamat malaki-laki rin ang nawawalang pondo dahil sa fraudulent claims, halos 1% lamang ito ng kabuuang assets ng ahensya.
Sa kasalukuyan anya ay umaabot na sa P175-B ang total assets ng PhilHealth at patuloy na nadadagdagan dahil sa magandang kita nito sa mga nagdaang buwan.
Ang kanya pong reserved funds ay P129-B at ang kinita last year ay P11.2-B and here, today, from January to March, first quarter, ay kumite na ng P2.4-B ang PhilHealth. So, maganda ho ang financial na position ng PhilHealth. And malayo po ito doon sa inaakala ng iba na bangkarote,” paliwanag ni Duque.
Ratsada Balita Interview