Pinare resolba na ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa Korte Suprema na tatayong presidential electoral tribunal ang lahat ng pending incidents kaugnay ng poll protest ni dating senador Ferdinand Bongbong Marcos.
Sa kanilang isinampang urgent motion to immediately resolve all pending incidents, sinabi ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo na nilang patunayan na sila mismo bilang respondent ay ayaw na ma delay ang kaso.
Naniniwala si Macalintal na wala namang talagang naganap na dayaan sa eleksyon dahil nagtutugma naman ang resulta ng recount at revision ng mga balota sa resulta na lumabas sa vote counting machine.
Sa katunayan, sinabi ni Macalintal na base sa mga balotang galing sa tatlong pilot provinces na kinuha ng PET, lumalabas na lamang pa aniya sa mga probinsyang iyon ng nasa 15,000 boto si Robredo.
Dahil dito, nais ni Macalintal na maresolba na ang protesta sa lalong madaling panahon dahil tatlong taon na rin ang kanilang hinintay.