Payag ang tatlong airline companies na gamitin ang sangley airport sa Cavite.
Ito ayon sa Department of Transportation ay para sa general aviation, freight turbopop operations at commercial turbopop operations ng Philippine Airlines, Air Asia at Cebu Pacific.
Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ang paglilipat ng general aviation gayundin ang freight at commercial turbopop operations ay mangyayari kapag maayos na ang nasabing paliparan.
Kaagad din aniyang ipapaalam sa general aviation users para sa relocation matapos ang isang taon sa Clark International Airport at Sangley Airport para makatulong sa pag decongest ng NAIA.
Ang general aviation ay operasyon ng civil aircraft maliban sa commercial air transport.
Si Tugade ay nakipag pulong sa mga kinatawan ng airline companies para matiyak ang agarang pagiging operational ng Sangley Airport tulad ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.