Ipinahaharang sa korte ang plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gawing point-to-point (P2P) scheme ang mga UV Express.
Naghain ng temporary restraining order (TRO) at writ of preliminary injuction sa Quezon City RTC ang mga kinatawan ng Stop and Go Transport Coalition at Defend Job Philippines.
Giit ng grupo, pahirap lamang para sa mga pasahero ang naturang plano ng LTFRB.
Ito rin umano ang unti-unting papatay sa kabuhayan ng mga driver at operator ng UV Express.
Transport group humirit
Inihirit ng isang transport group sa korte ang pansantalang pagpapatigil sa point to point service sa mga UV Express Units.
Sa naging petisyon ng Samahan ng mga Tsuper at Operator Pilipinas Genuine Organization (STOP and GO) sa Quezon City Regional Trial Court, inihirit ng grupo na magpalabas ang korte ng temporary restraining order laban sa Memorandum Circular 2019 – 025.
Iginiit ng grupo na walang nangyaring public consultation sa mga stakeholders kaya maituturing itong iligal.
Tinatawag pa nitong mapang-api ang naturang kautusan dahil tinatanggal nito ang pribilehiyo at benepisyo ng mga mananakay ng UV Express.
Sa panulat ni Rianne Briones