Muling namagitan ang Estados Unidos sa Pilipinas at China hinggil sa nangyaring salpukan ng mga barkong pangisda malapit sa Recto Bank na bahagi ng West Philippine Sea nuong Hunyo 9
Sa inilabas na kalatas ng embahada ng Amerika sa Maynila, sinabi nito na sinusuportahan nila ang lahat ng ligal na paggamit sa mga karagatan, paggalang sa International Law gayundin ang malayang kalakalan na siyang tanda ng kapayapaan at katatagan
Subalit dapat anilang iwasan ng magkabilang panig na igiit ang kanilang claim sa pinag-aagawang teritoryo gayundin ang paggamit ng dahas upang maipakita ang kanilang tapang at lakas
Kasunod nito, nagpasalamat ang Amerika na walang ni isa mang nagbuwis ng buhay sa panig ng mga pilipinong mangingisda mula sa lumubog na bangka at iniwang palutang-lutang ng mga tsino
Pinapurihan din ng Amerika ang Vietnam sa ginawang pagsagip naman ng kanilang mga kababayan sa mga pilipinong mangingisda na inabandona sa gitna ng karagatan