Pinag iingat ng Malakaniyang ang mga mangingisdang pumapalaot sa West Philippine Sea.
Kasunod na rin ito ng insidente ng banggaan ng Chinese fishing vessel at bangka ng mga pilipinong mangingisda sa Recto Bank.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat kaagad ipagbigay alam ng mga mangingisda sa mga otoridad kapag mayroong makikitang unusual sa lugar na maaring magkaroon ng kalakaran kung saan ang kanilang kaligtasan ay malalagay sa alanganin.
Sa ngayon aniya ay hinihintay pa ng palasyo ang tugon ng China kaugnay sa inihaing diplomatic protest ng Pilipinas.
Sinabi pa ni Panelo na hindi pinupulitika ng Malakaniyang ang insidente sa Recto Bank nang maghain ng diplomatic protest subalit dismayado lamang sa pag abandona ng Chinese crew sa mga pilipinong mangingisda sa gitna ng karagatan na malinaw aniyang paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Seas.