Patay ang dating spokesman ng grupong Bayan habang papasok ito sa kaniyang trabaho sa Naga City, Camarines Sur.
Ayon kay Regional Police Spokesman Police Major Malou Calubaquib, ang biktimang si Neptali Morada ay binaril ng isang suspek lulan ng puting sasakyan sa Barangay San Isidro alas 7:00 kaninang umaga.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente partikular ang motibo sa krimen kung saan natagpuan sa crime scene ang anim na empty shells.