Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa mga kumakalat na pekeng anti-rabies vaccines.
Ito ay matapos madiskubre ng FDA ang ibinibenta sa merkado na anti-rabies serum 5ml vial at Purified Rabies Vaccine Speeda.
Nakasaad sa abiso ang tatak na Equirab sa anti-rabies serum at sinertipikahan na ng BSV BioScience Philippines Incorporated ang marketing authorization holder ng produkto na pineke ang kanilang gamot.
Isinapubliko na rin ng FDA ang batch members ng mga pekeng bakuna gayundin ang mga palatandaan sa kahon ng mga ito.
Samantala, ipinaliwanag na rin ng FDA ang mga palatandaan sa kahon ng mga pekeng Purified Rabies Vaccine o Vero Cell Speeda.
Ipinaalala ng FDA sa distributors at consumers na bumili lang sa mga establishment na may lisensya mula sa ahensya kasabay ang abiso sa Bureau of Customs (BOC) na pigilan ang importasyon ng mga naturang pekeng produkto.