Makukumpleto na ang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA) hinggil sa pagbangga ng isang Chinese vessel sa isang bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank.
Ipinabatid ito ni Coast Guard spokesman Capt. Armand Balilo na nagsabi ring mayroon na lamang inaayos ang Coast Guard at MARINA bago isumite ang resulta ng imbestigasyon sa Malacañang.
Una nang inihayag ng Palasyo na hihintayin muna ng gobyerno ang resulta ng imbestigasyon ng mga ahensya ng gobyerno maging ang pagsisiyasat ng China bago maglabas ng anumang desisyon hinggil sa insidente.