Lagda na lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para maging ganap na batas ang panukalang pagpapatayo ng Philippine Coast Guard (PCG) hospital.
Nakasaad sa House Bill 8833 na itatayo ang Coast Guard hospital sa Lower Bicutan sa Taguig City.
Tutugunan ng nasabing ospital ang lahat ng pangangailangang medikal ng mga tauhan ng Coast Guard, mga sibilyang empleyado, kanilang kaanak at mga retiradong opisyal at empleyado ng Coast Guard.
Sa nasabing ospital din isasagawa ang medical examination ng lahat ng trainees o sinasanay ng Coast Guard, pag monitor ng kondisyon ng mga pasyente at paglikha nang nauugnay na impormasyon para sa pagbuo ng mga polisiya.
Ang pondo ng nasabing ospital, sakaling maging batas, ay magmumula sa General Appropriations Act.