Magiging katamtaman hanggang sa maulap na kalangitan na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat ang mararanasan sa ilang bahagi ng kalakhang Maynila.
Ito ay base sa 5:00 a.m. weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Light to moderate winds naman o mahinang hangin mula sa hilagang-silangan at timog-silangan ang iihip sa gawing bahagi ng hilagang-kanluran ng Zambales at Bataan.
Maging ang mga baybaying sakop ng Zambales at Bataan ay magiging banayad hanggang sa makakaranas ng mahinang pag-alon.