Asahan na ang mas mataas na pamasahe sa eroplano sa Hulyo at Agosto.
Ito ay matapos payagan ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang mga airline companies na magtaas ng mula P74 hanggang P291 sa mga domestic routes at mahit P3,600 sa international routes.
Batay sa inilabas na resolusyon ng CAB, tinukoy nito ang pagtaas sa fuel surcharges sa domestic at international flights dahil sa pagmahal ng jet fuel.
Gayunman, binigyang diin ng CAB na kinakailangan munang maghain ng petisyon ng mga airline companies hanggang katapusan ng Hunyo bago magpatupad ng taas-pasahe.