Isinusulong ng isang national security expert ang third party investigation sa insidente ng Recto Bank.
Ito ayon kay Professor Rommel Banlaoi ay para matiyak ang impartial investigation sa nasabing usapin kasunod na rin nang magkakaibang pahayag ng mga opisyal ng China at Pilipinas.
Sinabi ni Banlaoi na dapat pribado at mga expert ang kukuning magsasagawa ng third party investigation.
Hindi aniya pagdududahan at tiyak na tatanggapin ng publiko ang anumang resulta ng nasabing third party investigation.