Tuloy na sa susunod na dalawang buwan o sa Agosto ang deployment ng mga Pinoy worker sa Japan.
Kinumpirma ito ni Labor secretary Silvestre Bello III matapos ma-delay ang pagpapadala ng Pinoy workers kasunod ng dagdag na requirements tulad ng language proficiency at skills upgrading.
Abril nang i-anunsyo ng Japanese government ang pagbubukas nito ng pinto para sa foreign workers dahil sa halos 400 personnel na kakailanganin sa health care, building maintenance, electronics at food industries.