Sinusunog o itinatapon na lamang sa ilog ng ilang residente ng Bulacan ang kanilang mga basura dahil sa nananatiling problema ng koleksyon ng basura.
Sa isang barangay sa bayan ng Malolos, nagiging tapunan na ng mga basura ang isang sapa.
Sinabi naman ng lokal na pamahalaan ng Malolos na mayroon silang landfill subalit mabilis itong mapuno ng basura, bagamat naghahanap na rin sila ng alternative landfill.
Samantala, sa bayan naman ng Bocaue, bukod sa mga ilog at daan, nagtatapon na rin ang mga residente sa mga bakanteng lote.
Patuloy namang umaapela ang mga otoridad sa mga residente na paghiwa-hiwalayin ang kanilang mga basura at huwag sunugin ang mga ito.
Tinatayang 17 bayan sa Bulacan ang namomroblema sa dumadaming basura nila dahil hindi pa nakokolekta ang mga ito .. Nitong mga nakalipas na linggo.