Inamin ng abogado ni dating National Youth Commissioner Ronald Cardema na hindi na ito kwalipikadong maging kinatawan ng sektor ng kabataan.
Sa gitna ito ng naging pagdinig ng COMELEC en banc sa substitution bid ni Cardema para maging kinatawan ng Duterte Youth.
Sa pagtatanong ni COMELEC commissioner Rowena Guanzon kay Atty. Rani Angeli Supnet, aminado ng abogado na hindi na kwalipikado ng maging representative ng youth sector si Cardema dahil sa edad nitong 34 ngunit iginiit nito na kinakatawan naman nito ang young professionals.
Kasunod nito kinuwestiyon naman ni Guanzon ang propesyon ni Cardema at kung ito ba ay nakatapos ng pag-aaral at may trabaho para matawag na propesyonal.
Umiwas man ay napaamin din ang abogado na hindi nakapagtapos ng kolehiyo ang kanyang kliyente.
Matatandaang umapela si Cardema ng substitution sa COMELEC matapos na magwithdraw sa kanilang nominasyon ang apat na nominee ng grupo ilang araw bago ang eleksyon.