Tinatayang 100 biktima ng human trafficking ang nasagip sakay ng isang bangka sa katubigang sakop ng Zamboanga City.
Sa pinagsamang pwersa ng Naval Intelligence at Inter-Agency Council againts Trafficking, naharang ang M/L Lady Rosmina sakay ang mga biktima patungo sana sa Sandakan, Malaysia.
Ayon sa Naval Intelligence, nai-turn over na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktima para matulungan silang bumalik sa kani-kanilang mga probinsya.
Nasa kustodiya naman ng Naval Station Romulo Espaldon ang bangka para documentation at nakatakdang i-turn over ito sa Maritime Industry Authority.