Asahan na ng rotational brownout sa ilang bahagi ng Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon.
Sa harap ito ng red alert status sa suplay ng kuryente mula alas-10 hanggang alas-11 ng umaga at ala-1 hanggang alas-4 ng hapon.
Yellow alert naman ang iiral mula alas-9 hanggang alas-10 ng umaga, alas-11 hanggang ala-1 ng hapon at alas-4 hanggang alas-10 ng gabi.
Batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), 11, 217megawatts ang available capacity sa Luzon samantalang nasa 10,995megawatts ang peak demand.
Pinayuhan ng NGCP ang publiko na magtipid sa kuryente upang maiwasan ang brownout.