Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Guillermo Eleazar na dadaan sa due process si Police Brigadier General Christopher Tambungan.
Si Tambungan ay matatandaang sinibak ni Eleazar bilang hepe ng Eastern Police District (EPD) matapos matuklasan ang pananakit at pagmumura nito sa isang babaeng pulis.
Ayon kay Eleazar, tinanggal nya si Tambungan base pa lamang sa napanuod nyang video ng pananakit at pagmumura nito kay Police Corporal April Santiago.
Nilinaw ni Eleazar na aksidente ang pagkakatuklas nya sa insidente na nangyari pa noong gabi bago ang eleksyon noong Mayo at hindi dahil sa reklamo ng pulis na sinaktan at minura ni Tambungan.
Magkakaroon anya ng desisyon kung ano ang kahihinatnan ni Tambungan matapos ang imbestigasyon.
At kung mai-document natin ‘yan, possibly he will be facing misconduct then we will check kung ito ‘yung light or simple misconduct or let’s say little serious and that will be the basis kung ano nga ‘yung sanction na ibibigay sa kanya ‘pag ito po ay na-elevate na sa summary proceedings. So, ‘yung process will be given to him. Kino-consider natin ‘yung conduct at becoming of an officer. To hear the side of the respondent, officially,” ani Eleazar.
Ratsada Balita Interview