Nakahanda ang Philippine Red Cross (PRC) na tumulong sa pagdadala ng suplay ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila na maapektuhan ng water service interruption.
Kasunod na rin ito ng patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam.
Ayon kay PRC chairman at Senador Richard Gordon, inatasan niya ang organisasyon na ihanda na ang kanilang mga 20 water tankers sa Metro Manila para sa pagrarasyon ng tubig.
Dagdag ni Gordon, magiging prayoridad nila ang mga ospital para hindi maantala ang anumang serbisyong pangkalusugan at maiwasan ang anumang komplikasyong idulot ng kawalan ng tubig sa mga pasyente.
Unang sinabi ng National Water Resource Board na posileng bumagsak na sa kritikal ang water level sa Angat Dam ngayong araw.