Hindi pa rin nakatatanggap ng sahod ang 80 miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) at kani-kanilang mga tauhan, apat na buwan kasunod ng pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Atty. Laisa Masuhud Alamia, isa sa mga miyembro ng BTA, nananatili pa ring walang pondo ang transition panel ng BARRM.
Aniya, pinagkakasiya na lamang nila ang nalalabing pondo ng binuwag na regional legislative assembly ng Autonomus Region of Muslim Mindanao (ARMM) at madalas ay gumagamit na rin sila ng sariling pera.
Maliban sa sweldo, sinabi ni Alamia na wala pa ring sariling tanggapan ang BTA at patuloy na nakikigamit lamang ng pasilidad sa Sharif Kabunsuan Cultural Center sa kanilang isinasagawang plenary seesion.
Umaasa naman ang BTA na pakikinggan ng pangulo ang kanilang hinaing at agad na sosolusyunan ang usapin sa lalong madaling panahon.