Walong oras na iiral sa Luzon ang red alert status sa suplay ng kuryente dahil sa manipis na suplay.
Batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), iiral ang red alert mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Mangangahulugan ito ng rotational brownout sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.
Samantala, ibababa naman sa yellow alert ang status mula alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.