Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangambang umabot sa Pilipinas ang tsunami na dulot ng magnitude 8.3 na lindol na tumama sa Chile, kahapon.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, sakaling makarating sa baybayin ng Pilipinas ang tsunami ay posibleng abutin lamang ng .3 meters ang taas ng alon.
Subalit malaki rin ang posibilidad na hindi na umabot ng bans ang alon dahil humupa na ito bago pa makarating.
Samantala, tiniyak naman ng PHIVOLCS na nananatili silang nakaalerto sa anumang epekto ng lindol na tumama sa Chile.
Inalis na din ng Pacific Tsunami Warning Center ang inilabas nitong advisory para sa Hawaii at California, Amerika matapos ang magnitude 8.3 na lindol na tumama sa Chile.
Ayon sa PTWC, wala ng malaking banta ng tsunami sa mga islang sa Pacific Ocean o ang mga lugar na malapit sa Chile.
Gayunman, nakapagtala ang nasabing ahensya ng tatlong talampakang alon sa Hilo Harbor sa Big Island ng Hawaii.
Samantala, inabisuhan naman ng mga otoridad ang mga mamamayan sa California na iwasan muna ang mga waterfront activity.
By Drew Nacino