Pinaigting na ng Philippine Air Force at Navy ang security preparations para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) kasabay ng interoperability exercise Dagit 2015 na magtatapos naman ngayong araw.
Nilinaw ni Air Force Spokesman Col. Enrico Canaya na ang pagkakabilang ng APEC sa mga scenarios ay hindi dulot ng security threat bagkus ay bahagi lamang ng preparasyon para sa naturang aktibidad.
Isinama na anya nila ang scenario ng APEC Summit sa joint military exercise dahil iba’t ibang heads of state ang bibisita sa Pilipinas lalo ang mga leader ng makakapangyarihang bansa gaya ng Amerika at Russia.
Isasagawa ang APEC Economic Leaders Meeting simula November 18 hanggang 19 at dadaluhan ng 21 heads of states.
By Drew Nacino