Ipinagmalaki ng NFA o National Food Authority na nalampasan na nila ang kanilang target sa procurement para sa unang bahagi ng taong 2019.
Ayon kay bagong NFA Administrator Judy Carol Dansal, aabot sa 5 milyong sako ng palay ang kanilang nabili mula sa mga lokal na magsasaka mula pa noong Enero.
Katumbas ito ng mahigit 258,000 metriko toneladang palay na kanilang nabili sa mga magsasaka.
Mas mataas ito ng 11 porsyento kumpara sa target procurement ng NFA na mahigit apat at kalahating milyong sako ng bigas.
Kabilang sa mga binilhan ng NFA ng palay ay ang mga lalawigan ng Mindoro, Nueva Ecija, Isabela, Bulacan, Cagayan, North Cotabato at Sultan Kudarat.
Buffer Stock Requirement ng NFA posibleng maabot na bago matapos ang taon
Kumpiyansa ang NFA o National Food Authority na madali na nilang maaabot ang kanilang buffer stock requirerment bago matapos ang taon.
Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, malaki aniya ang naitutulong ng karagdagang benepisyong natatanggap ng mga magsasaka at pinagaan pa aniya ng proseso sa pagbebenta ng palay.
Magugunitang ipinagmalaki ng NFA na lumagpas pa sa kanilang target ang nabili nilang palay mula sa mga lokal na magsasaka.
Sa kasalukuyan, naglalaro sa 20 pesos kada kilo ang bilihan ng palay sa mga magsasaka kumpara sa dating 17 piso kada kilo.
Sakaling umabot sa 15,000 sako ng bigas ang dadalhin sa NFA, bibigyan ang mga magsasaka ng non nonetary incentive tulad ng water pump at engine.