Ikinalugod ng Palasyo ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia kaugnay sa delimitation ng exclusive economic zone boundary ng dalawang bansa.
Naselyuhan ang kasunduan matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo sa ASEAN Summit sa Bangkok, Thailand.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, patunay lamang ang naging kasunduan sa matatag at malakas na relasyon ng Pilipinas at Indonesia na nagdiriwang ng ika – 70th anibersaryo ng formal diplomatic at bilateral relations.
Aniya, ang naturang kasunduan ay magiging instrumentong ligal para matugunan ang maritime concern at maayos ang sea disputes nang naayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea.