Dismayado ang mga diplomats sa pagkansela ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa diplomatic passports.
Ayon kay dating Ambassador Jose Cuisia, hindi nila maunawaan ang rason ng kanselasyon.
Pinuna ni Cuisia na sa halip na tutukan ang kawalang respeto ng Hong Kong authorities kay dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, naibaling ang atensyon ng lahat sa isyu ng kanselasyon ng diplomatic passport.
Sinabi ni Cuisia na sana ay nagtangka man lang ang DFA o ang pamahalaan na alamin kung bakit ganun na lamang ang ginawang pagtrato kay Del Rosario ng Hong Kong authorities.
Malinaw anya na sobra-sobra ang ginagawang pag-iingat ng pamahalaan na masaktan o masaling ang China.