Tali ang kamay ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa nararanasang krisis sa tubig.
Ayon kay MWSS administrator Reynaldo Velasco, karagdagang source ng tubig ang solusyon sa problema sa tubig.
Tinukoy ni Velasco ang pagpapatayo ng mga dam tulad na lamang ng Kaliwa Dam na posibleng makumpleto pa pagkatapos na ng termino ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ngayon anya, ang tanging magagawa nila at ng water concessionaires ay pangasiwaan ng maayos kung paano hahati hatiin ang suplay upang makaabot ito hanggang sa talagang bumuhos na ang ulan at magbalik sa normal ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ngayon kung mapalaki natin ‘yung mga dams do’n, pag sobra, pwede nating ipatakbo dito ‘yung sobra na tubig papuntang La Mesa Dam para mafill up natin at magkakaroon tayo ng reserve na pwede nating gamitin na sana hindi nangyari ‘yung March 6 kung ang reserve ng La Mesa Dam ay supisyente. Even the tunnel will take us 3 to 4 years. Dadalawang taon pa lang naman kami d’yan, kaya sana po, maintindihan ng mga tao na hindi ganyang parang magic na, okay kailangan mo ito, matapos mo ka’gad,” ani Velasco.
Ratsada Balita Interview