Aprubado na sa Special Committee ng parliyamento ng Japan ang kauna-unahan nitong reinterpretation ng kanilang konstitusyon mula ng matapos ng World War II.
Ito ay sa kabila ng oposisyon ng ilang mambabatas na nauwi sa sakitan dulot ng matinding pagtatalo para hindi matuloy ang botohan sa nasabing batas.
Nagdulot naman ng matinding pagbatikos at protesta sa tokyo ang pagbabago sa 70 taong polisiya ng Japanese military.
Sa nasabing Reinterpretation ng Article 9 ng Japanese Constitution, pinapayagan na ang Japanese military o Self-Defense Forces (SDF) na gamitin ang giyera bilang paraan para ayusin ang mga sigalot at ipagtanggol ang mga kaalyado nitong bansa.
By Mariboy Ysibido