Isang bagong sama ng panahon ang binabantayan ng PAGASA.
Ayon sa PAGASA, ang cloud clusters ay huling namataan sa layong 2,000-kilometro Silangan ng Mindanao.
Tulad ng Bagyong Dodong, ang nasabing cloud clusters ay maaaring mabuo bilang low pressure area at inaasahang papasok sa loob ng bansa ngayong weekend.
Sinabi ng PAGASA na masyado pang malayo ang lokasyon ng sama ng panahon para matukoy kung ito ay magiging isa ring ganap na bagyo.
Sakaling maging ganap na bagyo, papangalanan itong ‘Egay’ at magiging ika-limang bagyo ngayong taon.