Kumpiyansa ang Public Attorney’s Office (PAO) sa mga hawak nilang ebidensya para idiin sa kasong plunder si Health Secretary Francisco Duque III.
Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, ang kaso ay isinampa ng syam na pamilyang namatayan ng anak dahil sa dengvaxia na hindi anya nakinabang sa PhilHealth.
Sinabi ni Acosta na malinaw ang conflict of interest sa panig ni Duque dahil umuupo pa rin sya sa kanilang family corporation kasabay ng pamumuno nya noon sa PhilHealth.
Ang plunder case ay may kaugnay sa ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson na pinaupahan ng pamilya ni Duque sa PhilHealth ang kanilang gusali sa Dagupan City sa kuwestyonableng halaga.
..na kahit select president pa siya ng 201 ay opisyal pa siya nu’ng kanilang family corporation, hindi niya trinansfer, hindi niya binenta ang kanyang share. At pag president pa ‘yan, nag-executive vice president at talagang aktibo pa siya sa mga korporasyon na ‘yan,” ani Acosta.
Ratsada Balita Interview