Umalma ang Progressive Igorot for Social Action sa plano ni Senator Elect Imee Marcos na magsagawa ng Igorot ritual dance sa o okupahang opisina matapos mabatid na opisina ito ni Outgoing Senator Antonio Trillanes IV.
Ayon sa grupo, galit sila at dismayado sa naging pahayag ni Marcos na “makikisayaw sila sa grupo namin” para ma bendisyunan ng todo ang magiging kuwarto nito sa Senado.
Nais anilang ipaalala kay Marcos na walang “Igorot namin” o hindi sila anila pag aari ng bagitong senador at kailanman ay hindi sila magiging pag aari nito dahil sa kasaysayan ng kanilang pakikipaglaban na nag ugat pa noong pananakop ng mga espaniyol.
Binigyang diin pa ng grupo na hindi dapat ma bless o mabasbasan ang opisina ni Marcos dahil may pandaraya umano nito sa midterm elections at pangangamkam ng pamilya nito sa mga yaman ng Cordillera noong 1970’s.
Tinukoy ng grupo ang konstruksyon ng Chico Sam na pinayagan ng dating pangulong Ferdinand Marcos kahit pa makakaapekto ito sa indigenous communities na nag protesta rito kayat hindi natuloy ang proyekto.