Mas pabor si Pangulong Rodrigo Duterte na umiral ang illegal numbers game na ‘jueteng’ kaysa illegal drugs.
Ayon sa pangulo, kapag ipinatigil niya ang operasyon ng ‘jueteng’ ay siguradong mapapalitan ito ng kalakalan ng iligal na droga.
Aniya, ang ‘jueteng’ ay pinakamagandang networking na maituturing niyang matagumpay.
Sinabi ng pangulo na sa naturang laro ay walang sabit hindi katulad ng nangyari sa mga miyembro ng Kapa Community Ministry.
Sinabi pa ng pangulo na ngayong hindi pa kaya ng ekonomiya ng bansa na maglapag ng pagkain sa mesa ng bawat pamilya ay hahayaan muna niya ang sistema ng ‘jueteng’ kung saan naroon daw ang pera.