Ilalabas na ng Derartment of Trade and Industry (DTI) ang department order na nag-aatas na lagyan ng English o Filipino translation ang mga imported manufactured goods.
Ayon sa DTI, dati nang may kautusan ang Food and Drug Administration (FDA) na dapat ay may English o Filipino translation ang para sa mga imported na gamot at pagkain.
Sa ilalim naman ng kautusan ng DTI, dapat ay naka-translate ang lahat ng signages, billboards, advertisements, labels, price tags, menu, resibo ng mga negosyong dayuhan ang produkto o serbisyo.
Binigyang diin ng DTI na hindi lamang mga produkto sa supermarket ang sakop ng kautusan ngunit maging ang restaurant at department stores.
Ang mga mahuhuling lalabag sa naturang katusan ay posibleng pagmultahin ng P1, 000 hanggang P300,000 at pagpapasara sa establisyementong gumagawa ng paglabag.