Tuluyan nang naging ganap na bagyo ang minomonitor na Low Pressure Area o LPA sa silangang bahagi ng Bicol Region.
Ayon sa PAGASA, tatawaging “Egay,” ang bagyong pumasok na sa Philippine Area of Eesponsibility kung saan ito na ang ika-5TH sama ng panahon ngayong 2019.
Base sa forecast, taglay ni Bagyong Egay ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 65 kph.
Kumikilos ito sa direksyong hilaga-hilagang kanluran ng Bicol.
Ngayong naging bagyo na ang binabantang LPA, binaasahang higit pang lalakas ang paghatak nito sa hanging habagat mula sa West Philippine Sea.
Kabilang sa mga makakaranas ng sama ng panahon ang Metro Manila, Ilocos, CALABARZON, MIMAROPA, Bataan at Zambales, kabilang na ang Western Visayas.