Pinabibilang ng Insurance Commission sa mga HMO’s o Health Maintenance Organizations sa kanilang health coverage ang mga may sakit na HIV o Human Immuno-Deficiency Virus
Batay sa inilabas na kautusan ng komisyon, inaatasan nito ang mga HMO’s na gumawa ng mga panuntunan o polisiya upang matiyak kung sumusunod ang mga ito sa itinatakda ng Republic at 11166 o ang Philippine HIV and Aids Policy Act
Ayon sa Insurance Commission, nararapat maibilang sa health coverage ang mga may HIV na sumasailalim sa maayos na gamutan at kailangang nasa normal na hangganan ang resulta ng kanilang ekaminasyon
Subalit nilinaw ng komisyon na ang mga may HIV ay dapat munang sumailalim sa HIV Test bago makakuha ng health coverage mula sa isang HMO