Nagsimula nang manungkulan ngayong araw na ito ang mga bagong halal na lokal na opisyal sa bansa.
Ayon kay Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing, dapat ay natapos na ang turn over mula sa paalis at papasok na administrasyon.
Sinabi ni Densing na sakaling may makitang kuwestyonable ang bagong administrasyon sa mga nai turn over sa kanilang kagamitan, proyekto at pondo, maaari nilang kasuhan ang lumang administrasyon.
“Kailangan i- account lahat ng assets ng lokal na gobyerno kasama na ho dito yung pagdedeklara kung ano yung mga movable at immovable properties ng lokal na gobyerno, kailangan naka listing ho yan. Pangalawa, preservation ng lahat ng dokumento sa loob ng munisipyo, siyudad o probinsya, mga kontrata, mga dokumento, merong summary dapat yan.”- Pahayag ni DILG Usec. Epimaco Densing.
(Ratsada Balita interview)