Siniguro ng Manila Water na halos lahat ng kanilang mga customer ay mayroon nang suplay ng tubig ng hindi bababa sa 8 oras.
Kasunod ito ng pagtaas ng lebel ng Angat Dam na umabot na sa 159.85 meters kaninang umaga.
Ayon kay Manila Water Corporate Communications Head Jeric Sevilla, sa mga low lying areas ay mas mahaba na ang oras na mayroong suplay ng tubig.
Bukod sa pagtaas ng lebel ng Angat ay malaking bagay din na mas kakaunting tubig na ang ginagamit ngayon tag ulan kumpara noong tag araw.