Opisyal nang itinalaga bilang bagong kalihim ng DICT o Department of Informations and Communications Technology si dating senador Gregorio Gringo Honasan.
Ito ay matapos manumpa ni Honasan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang bago ang cabinet meeting kahapon.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, nakasama na rin nila kagabi sa cabinet meeting si Honasan.
Magugunitang inanunsyo ni Pangulong Duterte ang appointment ni Honasan noong Nobyembre ng nakaraang taon pero hindi ito natuloy noon.
Natapos ang termino ni Honasan bilang senador noong Hunyo 30.