Hindi pa ibabalik ng National Water Resources Board o NWRB ang normal na alokasyon ng tubig sa Maynilad at Manila Water.
Ito’y kahit pa nadagdagan na ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa patuloy na pag-uulan.
Paliwanag ng NWRB, kailangan munang magtuloy-tuloy ang pagtaas ng water level sa Angat Dam bago nila ibalik sa normal ang alokasyon ng tubig na 46 cubic meters per second.
Magugunitang ibinaba sa 36 cubic meters per second ang water allocation ng NWRB matapos bumaba pa sa critical level ang tubig sa Dam.