Nasurpresa si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio sa desisyon ng kapatid na si Davao City Congressman Paolo ‘Pulong’ Duterte na tumakbo sa pagka-House Speaker.
Inulit ng alkalde ang naging pahayag ng amang si Pangulong Duterte na magreresign ito kapag tumakbo sa pagka-House Speaker si Pulong.
May 27 nang ihayag ng pangulo na magbibitiw siya sa tungkulin kung sasali ang anak na si Pulong sa House Speakership race.
Samantala, inindorso ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) bilang house speaker si Davao III District Representative Isidro Ungab.
Ayon sa HNP, sa tatlong kongresista mula sa Davao Region na nagnanais maging House Speaker, mahigpit silang nakatutok sa mga development sa Kamara.
Naiintindihan nila kung ang Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa delicadeza, ay hindi tatanggapin ang intensyon ng kapartido nilang si Congressman Polo ‘Pulong’ Duterte na makisali sa house speakership race para maresolba ang conflict sa pagitan ng mga kandidato rito.
Si Ungab ay four-term congressman at nag iisang mambabatas na chairman ng mga komite ng Ways and Means at Appropriations.
Ipinanukala rin ng partidong binuo ni Mayor Sara na maitalagang majority floorleader si Congressman Alan Peter Cayetano, pamunuan ni Congressman Lord Allan Velasco ang House Appropriations Committee samantalang si Congressman Martin Romualdez bilang chairman ng accounts committee.