Pinapurihan ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang isinusulong na 14th month pay at dagdag-sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Ayon kay Allan Tanjusay, tagapagsalita ng grupo, malaking bagay ang naturang mga panukala dahil hindi na sapat ang kasalukuyang kinikita ngayon ng mga manggagawa.
Aniya, kasalukuyang nasa P537 ang minimum wage at hindi na ito nakakasapat sa pang araw-araw na pangangailangan.
Dagdag pa ni Tanjusay, tumaas na rin ngayon ang presyo ng mga bilihin at hindi na rito nakakasabay pa ang sahod ng mga manggagawa.