Mahigpit nang ipinagbabawal ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng electronic cigarettes at vapes sa mga pampublikong paaralan.
Batay ito sa ipinalabas na Administrative Order 2019-0007 na nilagdaan ni DOH Secretary Francisco Duque III.
Ayon kay Duque, hindi na papayagan ang paggamit ng electronic nicotine at non-nicotine delivery system sa lahat ng lugar na ipinagbabawal ang sigarilyo.
Epektibo ang naturang kautusan matapos itong mailathala sa dalawang pangunahing pahayagan.
Una nang ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paninigarilyo at iba pang tobacco products sa mga pampublikong paaralan gaya ng eskwelahan, government facilities, simbahan, ospital, palengke, transpot terminla at iba pa.