Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ni dating Government Service Insurance System (GSIS) President Clint Aranas.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Ayon kay Panelo, nawalan na ng kumpyansa ang pangulo sa pamumuno ni Aranas kaya’t tinanggap na ang resignation nito.
Ani Panelo, nagkaroon kasi ng mga ulat at alegasyon ukol sa hindi maayos na pamumuno ni Aranas sa GSIS na maaaring ikinadismaya ni Pangulong Duterte.
Sa ngayon aniya ay naghahanap na ng kapalit ang punong ehekutibo na papalit sa nabakanteng pwesto.
Nais umanong tiyakin ngayon ng pangulo na ang bagong manunungkulang presidente ng GSIS ay maaayos na mapapamahalaan ang perang pinagpaguran ng mga manggagawa ng gobyerno at matugunan din ang kapakapanan ng mga GSIS members.