Isang transport holiday ang ikinakasa ng ilang transport network vehicle service (TNVS) drivers sa Lunes, July 8, sa buong bansa.
Sa nasabing transport holiday, pansamantalang ititigil ng TNVS drivers ang kanilang operasyon at magiging offline ang mga ito mula 6 ng umaga hanggang 6 ng gabi.
Sinabi ng TNVS groups at labor groups na Defend Job Philippines na ang transport holiday ay bilang protesta laban sa LTFRB dahil sa anila’y mga pahirap na polisiya kabilang ang inconsistencies sa pagproseso ng registration at application para sa TNVS.
Tinututulan din ng grupo ang anila’y kumpikadong requirements, mabagal na processing at releasing ng provisional authority at certificate of public convenience.