Makararanas ng 9 na oras na brownout ang ilang bahagi ng Bukidnon sa Northern Mindanao bukas, Setyembre 19.
Batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines, magsisimula ang power interruption 8:00 ng umaga bukas hanggang 5:00 ng hapon.
Ang naturang power interruption ay bunsod ng naka-iskedyul na maintenance work ng NGCP kung saan kinakailangang ang pag-shutdown sa Cagayan de Oro, Talakag 34.5 kilovolts line.
By: Ralph Obina