Nakatakdang sampahan ng kasong corruption at theft sa Office of the Ombudsman si dating Cebu City Mayor Tomas Osmeña matapos nitong hubaran ng iniwan nitong tanggapan ng alkalde matapos ang termino nito.
Ayon kay Atty. Rey Gealon, Cebu City Legal Officer, inihahanda na ang mga kasong isasampa kay Osmeña gayundin sa personal assistant nitong si Raymund Paul Taboada at 27 mga manggagawa na nagsagawa ng demoslisyon sa mayor’s office.
Nagkaroon aniya ng pag-amin ang assistant ni Osmeña na inutusan siya ng alkalde para alisin ang mga gamit sa tanggapan kasama maging ang tiles at iba pang fixtures.
Una nang iginiit ni Osmeña na personal niyang pag-aari ang naturang mga gamit kaya marapat lamang na kunin niya ito lahat sa kanyang pag aalis.